Ikaw ba ay isang kasambahay na matagal nang tapat na naglilingkod? O isa kang dating kasambahay na ngayon ay matagumpay na sa ibang larangan?
Ito na ang pagkakataon upang makilala at maipagmalaki ang iyong dedikasyon, sakripisyo, at tagumpay!
Ang CAFFWOA UAE, kasama ang mga katuwang na organisasyon, ay nag-aanyaya sa mga kasalukuyan at dating kasambahay na lumahok sa dalawang kategorya ng parangal:
KATEGORYA 1 โ PAGPUPUGAY SA ULIRANG KASAMBAHAY
Para sa mga kasambahay na may mahabang panahon ng tuloy-tuloy at tapat na paglilingkod sa iisang employer o pamilya, na nagpakita ng katapatan, integridad, dedikasyon, at mabuting asal.
KATEGORYA 2 โ PARANGAL SA HUSAY AT TAGUMPAY NG DATING KASAMBAHAY
Para sa mga dating kasambahay na matagumpay na nakapag-angat ng kanilang buhay sa pamamagitan ng bagong propesyon, trabaho, o negosyo, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating komunidad.
PAALALA: MALAPIT NA ANG DEADLINE!
HULING ARAW NG PAGSUSUMITE: OKTUBRE 28, 2026 (MIYERKULES)
PAANO SUMALI?
Punan ang Google Form at isumite ang kinakailangang impormasyon at mga dokumento sa link na ito:
https://forms.gle/qguoFK3MEe9N47QN6
Hindi lamang haba ng paglilingkod o taas ng narating ang ating ipinagdiriwang, kundi ang katapatan, pagsisikap, at inspirasyong naibibigay sa kapwa.
Kilalanin natin ang mga tunay na huwaran ng ating komunidad!
Ibahagi ang post na ito at i-tag ang isang kasambahay o dating kasambahay na sa tingin mo ay karapat-dapat sa parangal!
Dahil ang bawat sakripisyo ay may halaga, at ang bawat tagumpay ay karapat-dapat parangalan! ![]()
#salamatkabayanyear5










