Migrant Worker Office Services


INDIVIDUAL CONTRACT VERIFICATION

OEC

HIRING FILIPINO WORKERS

HIRING THROUGH TADBEER

OWWA

SSS

PAG-IBIG


๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

May kumakalat na impormasyon online na nagsasabing may ibinibigay na โ‚ฑ150,000 financial assistance mula sa DMW at OWWA. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—ข.
Nakakalungkot makita na sa panahong nakatuon ang pamahalaan sa pagsiguro sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga OFW, may mga patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon. May ilan pang gumagamit ng AI videos at iba pang paraan upang magmukhang lehitimo ang mga ito.
Pinapaalalahanan namin ang lahat na maging mapanuri. Huwag agad maniwala sa mga post o video na walang malinaw na pinanggalingan.
Bagamaโ€™t walang โ‚ฑ150,000 na ayuda na ipinapamahagi, ang pagiging miyembro ng OWWA ay may mga tunay na benepisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya, kabilang ang:
โ€ข Financial assistance para sa mga OFW na nasa distress o nangangailangan ng tulong
โ€ข Livelihood at reintegration programs para sa mga OFW na nais magsimula muli sa Pilipinas
โ€ข Training assistance, scholarships, at upskilling opportunities upang mapalawak ang kaalaman at pagkakataon sa trabaho
Para sa tama at opisyal na impormasyon:
โ€ข Sundan ang official pages ng Department of Migrant Workers (DMW)
โ€ข Sundan ang official pages ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Patuloy na nakaantabay ang OWWA at DMW upang magbigay ng tunay na serbisyo at suporta sa ating mga kababayang OFW saan man sila naroroon.
Mag-ingat sa fake news. Maging mapanuri.
Alagang OWWA. Serbisyong may Puso.