Migrant Worker Office Services


INDIVIDUAL CONTRACT VERIFICATION

OEC

HIRING FILIPINO WORKERS

HIRING THROUGH TADBEER

OWWA

SSS

PAG-IBIG


Public Advisory on Illegal Recruitment Schemes Targeting Low-Skilled Filipino Workers

The Philippine Consulate General in Dubai warns Filipinos in Dubai and the Northern Emirates regarding a new illegal recruitment scheme involving the deployment of low-skilled Filipino workers to countries subject to deployment bans, including Pakistan. This scheme typically involves the use of tourist visas under false pretenses of employment abroad.
The Philippine government maintains that any recruitment activities circumventing existing regulations are considered illegal. The public is strongly advised to exercise caution and refrain from engaging with individuals or entities offering employment opportunities to countries with deployment bans whether through personal contact or online platforms.
To verify the legitimacy of any recruitment agency, the public is encouraged to consult the list of licensed recruitment agencies available on the official website of the Department of Migrant Workers at: https://dmw.gov.ph/licensed-recruitment-agencies.
The Consulate urges all members of the Filipino community to remain vigilant and report any suspicious recruitment activities to the appropriate authorities.
For the public’s information and guidance.
Babala sa Publiko Hinggil sa mga Ilegal na Recruitment Scheme sa mga Low-Skilled na Manggagawang Pilipino Pinag-iingat ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Dubai ang mga Pilipino sa Dubai at sa Hilagang Emirates hinggil sa isang bagong ilegal na recruitment scheme na naghihikayat sa mga low-skilled na manggagawang Pilipino na magtrabaho sa mga bansang may umiiral na deployment ban, kabilang na ang Pakistan. Karaniwang ginagamit sa ganitong modus ang pag-alok ng trabaho sa ibang bansa gamit ang tourist visa.
Muling pinapaalala ng Pamahalaan ng Pilipinas na anumang aktibidad ng recruitment na lumalabag o umiiwas sa umiiral na mga regulasyon ay itinuturing na labag sa batas. Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at umiwas makipag-ugnayan sa sinumang indibidwal o grupo, personal man o online, na nag-aalok ng trabaho sa mga bansang may deployment ban.
Upang matiyak ang pagiging lehitimo ng isang recruitment agency, hinihikayat ang publiko na kumonsulta sa talaan ng mga lisensyadong recruitment agencies na matatagpuan sa opisyal na website ng Department of Migrant Workers (DMW): https://dmw.gov.ph/licensed-recruitment-agencies. Hinihikayat ng Konsulado ang lahat na maging mapagmatyag at i-report agad sa mga kinauukulan ang anumang kahina-hinalang recruitment schemes. Para sa kaalaman at gabay ng publiko.