ONLINE SUBMISSION SYSTEM: Q& A
Q: MAY LIMIT BA SA BILANG NG PWEDENG MAG-APPLY?
A: Sa ngayon, ang bawat form ay maaring tumanggap ng 500 applications. Kumpara sa pilot launch, sa expanded coverage ay hindi na lamang ang mga may flights ang pwedeng mag-apply.
Q: HINDI AKO MARUNONG MAG-ONLINE. HINDI NA BA AKO MAKAKAPAG-VERIFY? –
A: Pwede pa rin kumuha ng online appointment upang makapunta sa araw ng iyong schedule, o kaya ay mag punta sa POLO isang araw bago ang flight; at tuwing Biyernes/ para sa mga may flight ng susunod na Sabado / Linggo / Lunes.
Q:SINO TARGET PARTICIPANTS?
A:Sa kasalukuyan, ang target participants ay ang mga OFWs na mayroong valid employment visa mula sa Dubai, Sharjah, Ajman, Umm Al Quwain, Ras Al Khaimah, o Fujairah.
Abangan ang mga announcement at advisory sa aming website para sa mga susunod na schedule.
Q:ANO ANG TIMELINE NINYO?
Week 1 | Week 1-2 | Week 2 | Week 4 |
1-3 August (Mon-Wed) | 4-9 August (Thurs-Tues) | 10-15 August (Wed-Mon) | 23-25 August (Tues-Thurs) |
Links open / close | Online evaluation & review | Notification and Printing | Payment & release |
A: Ito ay bukas lamang habang mayroong available na slots o hanggang August 3, 2022, alinman ang mauna. Ganito ay timeline na susundin maging sa mga susunod na forms.
Q: BAKIT DISAPPROVED ANG AKING ONLINE SUBMISSION? AKALA KO BA ONLINE NA LANG ANG SUBMISSION TAPOS DISAPPROVED LANG PALA?
A: Ang pagsusubmit online ng dokumento ay hindi nangangahulugan na approved na agad ang dokumento mo.
Dadaan pa yan ng review at evaluation. BASAHIN ANG MGA DAHIL PARA MA-DISAPPROVE ANG APPLICATION DITO. / READ THE REASONS FOR DISAPPROVAL HERE.
Q: ANO ANG PWEDE KONG GAWIN KUNG DISAPPROVED ANG AKIN APPLICATION? PWEDE BA AKO MAG SUBMIT ULIT ONLINE?
A: PWEDE PA RIN PO. Sa Expanded Coverage, ang mga disapproved applicants ay may tatlong (3) options kung paano makakapagpa-verify:
OPTION1: Acquire an appointment to visit POLO Dubai and bring the complete documentary requirements to process your contract verification in-person. OR
OPTION 2: Visit POLO Dubai one day before your flight, or on Friday for those with flights on Saturday, Sunday, & Monday, or on the nearest working day (if it’s a holiday a day before your flight) and bring the complete documentary requirements at POLO Dubai. OR
OPTION 3: You may RE-APPLY USING THE NEXT AVAILABLE FORM.
Q: APPROVED ANG AKING APPLICATION, ANO ANG AKING GAGAWIN?
A: Kasama sa email na nagsasabing approved ang documents mo ang instructions, ano ang dapat dalahin, at kung kailan dapat magpunta.
Kung hindi makakapunta sa araw na tinakda, maaring mag-issue ng Authorization para sa iyong Representative. Gamitin ang template para sa Authorization Letter na maaring i-download dito. Bukod dito, kailangan magdala ng kopya ng Emirates ID nya ang representative, kopya ng email confirmation mula sa POLO at kopya ng passport at EID mo.
Q: PAANO KUNG ANG APPROXIMATE RELEASING SCHEDULE PARA SA APPROVED APPLICATIONS AY MAS MATAGAL KAYSA SA AKING FLIGHT PAUWI SA PILIPINAS, ANO ANG PWEDE KONG GAWIN?
Mayroon kang tatlong (3) options:
- Pumunta sa POLO Dubai isang araw bago ang iyong flight at dalahin ang kumpletong requirements, pati ang kopya ng iyong ticket. OR
- Mag-submit ng online application sa online form na pasok sa iyong flight schedule. OR
- Proceed with the online application and authorize a representative to claim and pay for the verified contract. Authorized representatives shall present the accomplished Authorization Form (downloadable at out website), copy of his/her Emirates ID, and copy of the worker’s ticket.
MGA PAALALA SA PAGGAMIT NG ONLINE SUBMISSION SYSTEM:
- Required ang email address. We are currently using Google Forms, thus we recommend you use a gmail account in order to upload documents / files easily.
- Isang beses lang ang submission sa bawat aplikanteng OFW. Kung multiple times ka nagsbumit, automatically disapproved ang submission mo. Huwag natin agawan ng slot ang ibang aplikante. Isang slot per tao lang.
- Basahin ng maigi ang instructions. Ang lahat ng pwede mong malaman ay nakasulat sa website, forms, at iba pang guidelines.